25

Jan 17, 2020 @ 8:48
By

Cone ayaw muna ‘magpiyesta’

‘Di pa makangiti si Tim Cone kahit hiniya nila ang Meralco nitong Miyerkoles.

May kailangan pang tapusin ang Gin Kings, at alam ng Ginebra coach na ‘di magiging madaling itumba ang Bolts sa Game 5 ng PBA Governors Cup Finals alas-siyete ng gabi sa January 17 sa MOA Arena.

“I would love it if it did, but no, I don’t think so,” sagot ni Cone nang matanong kung kakayanin nang isara ng kanyang team ang best-of-seven series tapos ng 94-72 win sa Bolts sa Smart Araneta Coliseum.

“I mean, we will try our best, obviously,” dagdag nya. “But, you know, this team has shown a lot of character in the past when we played them. We got up 2-0 on them and they came back and beat us two straight in one series. We know they’re capable of coming back.”

Nangyari ‘yun sa 2017 finals ng parehong torneo nang masagad ang Gins bago sinikwat ang deciding game.

“It’ll be silly for us to say that we think it’s gonna be over,” giit pa ni Cone. “But it’s also silly for us to say if we don’t think we’re gonna try our best to make it over, to get it over, I should say.”

Sakalaing makabawi ang Meralco, ilalaro ang last two games ng series sa Philippine Arena sa Bocaue sa Linggo at Miyerkoles.

Pasabog ng 27 points, 8 rebounds, 8 assists, 5 steals at 4 blocks si Justin Brownlee para pangunahan ang Ginebra. Nagdagdag si Stanley Pringle ng 21 points at 7 rebounds, may 16 markers si Scottie Thompson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?