64

By

Cone ayaw matalo ang Gilas

Sa nakitang inilaro ng Gilas Pilipinas laban sa San Miguel-Alab, alam na ni coach Tim Cone na ‘di magiging madali ang kampanya ng Nationals sa 2019 Southeast Asian Games.

Tatlong linggo na lang sisiklab na ang men’s basketball competitions ng biennial sportsfest na iho-host ng bansa sa MOA Arena.

Talo ang Nationals sa Alab 93-89 sa pangalawang tuneup game nitong Lunes sa Meralco Gym, Pasig. Bumawi ang ASEAN Basketball League team mula sa 98-95 setback sa unang laro ng friendlies sa nakaraang linggo.

“Hopefully, this is one step back, two steps forward,” ani Cone. “We want to really play a tough team and they had a lot better personnel.”

Panggising aniya ito sa Nationals na ‘di na ganun kadali ang mga kalaban sa Southeast Asia na dating dinodomina.

Nagdagdag ng bagong import ang Alab kay Nick King, may bago rin silang Fil-Am kay Jordan Heading.

Sa kabilang banda, ‘di naglaro sa Nationals sina Greg Slaughter at Troy Rosario na parehong injured.

“It’s a good test for us, I just hate losing. That’s all,” dagdag ni Cone.

Minarkahan ng coach ang mga bagay na inalis sa kanila ng Alab.

“A lot of switching which we haven’t workd on in three, four practices,” litanya niya. “They did a good job on our pick-and-rolls, and they beat us down the floor.”

Ikinatuwa ng coach ay ang fightback ng Nationals, ang magandang distribusyon ng bola at kahit ‘di masyadong organisado ay kumasa sa depensa.

Nanguna sa Gilas ang 14 points ni RR Pogoy, may tig-12 sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar at 11 kay Matthew Wright.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?