249

Jul 16, 2019 @ 16:43
By

Condonation program ng SSS, extended

Binigyan pa ng pagkakataon ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro matapos na palawigin ang pagtanggap nila ng aplikasyon para sa kasalukuyang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP) hanggang Setyembre 6, 2019.

Matapos linawin ng Social Security Commission (SSC), ang policy-making body ng ahensya, sa pamamagitan ng Resolution No. 453-s.2019, ang deadline ng CPCP mula sa naunang nainanunsyo na Setyembre 1, 2019.

Binigyang-daan ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 ang pagbibigay ng condonation program para sa mga employer.

Isinasaad sa transitory clause o Section 31 ng naturang batas na maaaring makapagbayad ang isang delinkuwenteng employer ng lahat ng hindi niya nabayarang kontribusyon sa SSS sa loob ng anim na buwan matapos maipatupad ang batas. Nilagdaan ang bataas noong Pebrero 7 at ipinatupad noong Marso 5.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pag-aaplay sa programa, ang mga interesadong employer ay maaaring bumisita sa pinakamalapit na sangay ng SSS o tumawag sa SSS Call Center hotline na 920-6446 hanggang 55, o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?