547

Nov 4, 2021 @ 19:08
By

Condom na puwede sa putotoy, kipay naimbento sa Malaysia

Nakaimbento ang mga gynecologist sa Malaysia ng kauna-unahan umanong unisex condom.

Ayon sa USA Today, maaaring gamitin ang unisex condom sa loob o labas ng ari.

Gawa umano ang Wondaleaf Unisex Condom sa Polyurethane – isang medical-grade material na makikita sa mga medical gloves o dressings para sa mga sugat – at may kapal na 0.03 millimeters.

Paliwanag ni John Tang Ing Ching, ang nakaimbento ng Wondaleaf Unisex Condom, regular condom lamang ito na may adhesive o pandikit.

Dagdag niya, dahil natatakpan ng nasabing condom ang buong ari, mas ligtas ito kesa sa iba pang mga contraceptive sa pagpigil sa mga STD at pagbubuntis.

Sa kanilang Instagram, nag-share ng instructional video ang Wondaleaf kung paanong gamitin ang unisex condom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?