151

Oct 15, 2017 @ 17:39

Concreting project sa Sarangani Province, maagang matatapos –DPWH

Inaasahang maagang matatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang concreting project sa Maitum-Lake Sebu Road sa Sarangani Province.

Ayon kay DPWH Region 12 Director Basir Ibrahim, 71.87% nang nakukumpleto ang proyekto na pinondohan ng P300 milyon.

Limampung porsiyento umanong mas maaga ang usad ng proyekto kaysa sa itinakdang schedule.

Sakop ng proyekto ang Barangay Upo-Tuana Datu Section ng Maitum-Lake Sebu Road sa bayan ng Maitum sa Sarangani Province.

Target na matapos ang buong proyekto sa Marso 2018, pero ayon kay Ibrahim, dahil puspusan ang konstruksyon, inaasahang maaga itong matatapos.

“These road projects will lead to a more economically-enhanced Maitum and of course fun-filled tourism destination for Lake Sebu. I believe that the economic and tourism exchange potential for both areas will eventually be stimulated by our road concreting projects,” pahayag ni Ibrahim. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?