13

Dec 14, 2020 @ 13:24
By

Concession agreement ng palpak na tollway operator bawiin – Win

Maaari namang bawiin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pinagkaloob na concession aggrement sa mga mga toll operator na hindi maayos ang operasyon, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Sabi ng senador, ang concession agreement ay isang pribiliheyo na iginagawad sa mga operator para maguo, mag-operate at magmintine ng highway at ang counterparty ng kasunduan iyon ay ang gobyerno sa pamamagitan ng TRB.

“The concessionaires or the operators were given the privilege to expand, operate and maintain but they have certain minimum requirements that they should perform in order for the public to experience better infrastructure,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa ANC.

“In this case, the TRB can revoke. It’s under their charter if public interest is at risk,” dagdag pa nito.

Sa Huwebes, nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senate public services committee hinggil sa sablay na papgpapatupad ng radio-frequency identification (RFID).

Makakatulong ang pagdinig para matukoy kung may sapat na dahilan pa bawiin ang concession deal sa mga toll operator sa gitna mga isyung bumabalit sa paglipat sa cashless RFID system.

Noong Disyembpre 1, base sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr), ipinatupad na ang cashless system sa mga pangunahong expressway na konektado sa Metro Manila sa layuning mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Subalit naranasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga tollway tulad ng sa North Luzon Expressway (NLEX) bunsod ng palpak ng RFID system.

“It is not a unique technology anymore. It’s a very old technology… My hunch here is they did not upgrade their technology,” sabi ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?