147

By

Concession agreement extension binawi ng MWSS! Maynilad, Manila Water hanggang 2022 na lang

Ni-revoke ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pag-extend ng concession agreement ng Manila Water Company Inc at Maynilad Water Services Inc.

Ayon ito kay MWSS Deputy Administrator for Engineering Leonor Cleofas sa pagdinig sa Kamara ng ng committee sa good government and public accountability at public accounts.

Ibig sabihin, imbes na sa 2037 pa ang serbisyo ng dalawang water concessionaire, magiging hanggang 2022 na lang ito.

“The new board, based on the recent directive of the President on the Cabinet meeting, they are now revoking the board resolution, ayon kay Cleofas.

Ayon sa mga opisyal ng Manila Water at Maynilad, natanggap lang nila ang noice sa revocation nitong Miyerkoles, Disyembre 11, kahit pa sinabi ni Cleofas na noong Disyembre 5 pa nila pagbawi ng kasunduan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?