22

By

Concert ni Sarah tinapatan ni Rachelle

Sharing is caring!

Niyaya akong mag-dinner ng philanthropist-businesswoman friend ko na si Pinky Tobiano at ng mister niyang si Juanch Robles noong Saturday sa Conrad Manila at nang kumakain na kami, nasabi sa amin ni Pinky na kaya sa lugar na ‘yon siya nagyaya ay dahil galing siya sa bridal shower party ng aanakin niya sa kasal na si Rachelle Ann Go.

Sa isang nail spa sa S Maison mall ng Conrad Manila ang venue ng bridal shower party ni Rachelle Ann. Akala ko pa naman ay nasa London, England pa si Rachelle Ann, pero bumalik na pala siya ng bansa para sa kanyang bridal shower party.

Eh, kasama namin sa dinner si Erik Santos, kaya akala ko ay nag-‘gatecrash’ siya sa bridal shower party, pero hindi nga raw dahil puro babae nga naman ang imbitado roon.

“I invited him for dinner lang,” sabi naman ni Pinky.

After ng dinner namin, nagyaya si Pinky na silipin namin ang venue ng bridal shower party ni Rachelle Ann dahil patapos na ‘yon. Si Pinky raw ang nag-cater ng food and drinks dahil isa nga siya sa magiging ninang sa kasal ni Rachelle Ann sa fiancé na New York-based businessman na si Martin Spies.

Sumama rin si Erik papunta sa nail spa at nandoroon pa nga si Rachelle Ann, pero hindi na namin inistorbo dahil abala siya sa pag-aasikaso sa kanyang mga bisita.

Kuwento na lang sa amin ni Pinky, sobrang masaya si Rachelle Ann sa nalalapit na kasal kay Martin.

Nang nagpapaalam na kami kay Erik, biniro ko ang singer na ang ihe-headline ko ay, ‘Rachelle Ann, tinapatan ang concert ng kaibigang si Sarah Geronimo!’

Tawa lang nang tawa si Erik dahil habang nagba-bridal shower party nga naman si Rachelle Ann ay nagaganap ang This 15 Me concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum.

“Hahaha, Kuya Jun, iba ka!” natatawang sabi ni Erik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?