273

Oct 25, 2017 @ 13:12

Concert ni Jona sa Nov. 18, alay sa namayapang ama

By JUN LALIN

NGAYON ang huling araw ng burol ng tatay ni Jona (Jonalyn Viray) dahil bukas na ang libing nito. Ilang araw na nasa ICU ang tatay ni Jona bago ito tuluyang binawian ng buhay.

Sa November 18 ang Prima Jona concert ni Jona sa The Theater ng Solaire Resort & Casino at ayon sa kanya, iniaalay niya ‘yon sa kanyang yumaong tatay.

Sabi pa ni Jona sa text niya sa amin kahapon, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nakikiramay sa kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanyang butihing ama.

Sa pamilya ni Jona, mula sa amin dito sa Abante TONITE, ang aming taos-pusong pakikiramay!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?