93

By

Concert ni Jessa Zaragosa sa Tate, malaking kasinungalingan!

Sharing is caring!

Walang naka-schedule na show o concert ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragosa sa Chicago, Illinois, USA sa Oktubre 26, 2018.

Ipinost ng misis ni Dingdong Avanzado ang poster ng alleged show/concert nila ni Leo Consul, artist ng Asian Artists Agency ni Boy Abunda o mas kilala bilang Kuya Boy sa social media para maging aware ang kanyang mga tagahanga.

Sa caption, sabi ng award-winning singer at star ng ‘Pepito Manalato’ ng Kapuso Network, “THIS IS A FALSE ADVERTISEMENT! At this moment, I do not have a show in Chicago scheduled!”

“Again, THIS IS A FALSE ADVERTISEMENT! DO NOT PURCHASE TICKETS FOR THIS EVENT!”

Samantala, happy si Jessa sa natanggap na nominasyon sa Star Awards for Music na magaganap sa September 9.

Nominado silang mag-asawa sa iba’t ibang kategorya. Nakakuha si Jessa ng nominasyon bilang Female Recording Artist of the Year, at Male Recording Artist of the Year naman ang kanyang mister.

Tumanggap din ng nominasyon ang album nilang mag-asawa titled ’20/30′ under Star Music ng Album Cover Design of the Year at Revival Album of the Year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?