5

Jan 15, 2021 @ 19:59
By

Concert ng Green Day sa bansa kanselado

Kanselado ang concert ng Green Day ngayon taon ayon sa concert organizer nito na MMI Live.

#GreenDayMNL Update

For refund inquiries, please contact SM Tickets at customercare@smtickets.com.

Posted by MMI Live on Thursday, January 14, 2021

Inabisuhan naman ng organizer ang mga bumili ng ticket para sa naturang concert na i-contact ang SM Tickets upang maibalik ang kanilang mga pera.

Wala namang inanunsyo ang organizer kung kailan muling ikakasa ang concert.

Ito sana ang kauna-unahang concert ng naturang banda sa Pilipinas.

Ilan sa mga sikat na kanta ng banda ang “21 Guns” at “Boulevard of Broken Dreams.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?