61

Apr 13, 2020 @ 15:25
By

Concert ng Arashi mapapanood online

May bagong dagdag sa listahan ng mga pagtatanghal na masasaksihan online sa gitna ng anti-coronavirus home quarantine: ang “Untitled” live tour ng Arashi!

Mula ito sa concerts ng Japanese boy band mula Nobyembre 2017 hanggang Enero 2018, na dinaluhan ng kabuuang 855,000 fans.

“This video will only be live for a limited time, so definitely enjoy it while you can!,” sambit ng Arashi sa YouTube.

Abril 10 nila ito nilabas sa YouTube, at ngayong Abril 13, umani na ito ng higit 5.6 milyong views at higit 21,300 comments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?