23

By

Con-ass, target i-convene sa Enero

Sharing is caring!

Isusumite na ng House committee on constitutional amendments sa rules committee ngayong Disyembre ang final draft ng federal Constitution na ipapalit sa 1987 constitution.

Resulta ito ng trabaho ng apat na technical working group na binuo noong Agosto ng constitutional amendments committee na pinamumunuan ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado.

Ayon kay Mercado, ang draft nila ng federal constitution ay salig din sa isinumiteng panukala ng PDP-Laban Federalism Institute at alinsunod sa ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng klase ng federal charter na nararapat pairalin sa Pilipinas.

“The draft charter builds upon the proposal of the PDP-Laban Federalism Institute. It is consistent with the ideas of President Rodrigo Duterte on what the new charter ought to have and contains solutions to the country’s economic problems, especially poverty, the peace and order situation, and the fight against illegal drugs,” pahayag ni Mercado.

Kumpiyansa din ang kongresista na tuluyang maaaprubahan ng constitutional committee ang House Concurrent Resolution No.9 na nagpapa-convene sa Senado at Kamara bilang constituent assembly na magrerebisa ng Saligang Batas.

Sinabi ni Mercado na mayroon na itong committee report na inaasahan niyang agad na maaaprubahan ng Kamara para handa na ang lahat para sa con-ass sa January 2018.

“We have support from our colleagues in the House to get their approval on HCR No. 9 in the near-term and on the proposed amendments when Congress is convened as a constituent assembly,” ayon sa kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?