duterte-lagman
By

Con-Ass, magiging rubberstamp lang ni Duterte – Lagman

Sharing is caring!

Gagawin lang din daw na rubberstamp ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Constituent Assembly (Con-Ass).

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ito ang pangunahing argumento kung bakit dapat tutulan ang isinusulong ng supermajority na pag-convene sa Senado at Kamara bilang Con-Ass.

Paliwanag ni Lagman, dahil mga kaalyado rin ng Presidente ang bubuo sa Con-Ass, tiyak na mamadaliin lang at walang mahabang debate ang amyenda sa Konstitusyon gaya ng ginawa sa ilang mahahalagang lehislasyon.

“This imprudent fast tracking happened in the two extensions of martial law in Mindanao and the approval of the reposition of the death penalty by the House of Representatives,” ayon kay Lagman.

Iginiit ng kongresista na mabigat na usapin ang Charter Change (ChaCha) dahil apektado nito ang kasalukuyan at future generations ng mga Pilipino.

Maaari lamang aniyang pagtibayin ang panukalang amyenda kung aaprubahan ito pagkatapos ng seryoso at masusing deliberasyon at hindi dapat mangibabaw ang mga kakampi ng Pangulo sa proseso.

Muling inirekomenda ni Lagman ang pagpapatawag ng Constitutional Convention para sa ChaCha kung saan ihahalal ng mga tao ang mga delegado na magpapanukala ng pagbabago sa Saligang Batas.

Dagdag pa nito, hindi dapat gawing katuwiran na mas maliit ang gastos sa Con-Ass kaysa sa Con-Con.

“It is not a question of expense but a matter of independence and integrity,” ani Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?