134

By

Computer shop na nagpapasok ng mga estudyante habang oras ng klase, ipasasara ng NCRPO

Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa mga computer shop at iba pang establisyimento na nagpapalaro ng online games sa mga estudyante habang oras ng klase na ipapasara ang mga ito.

Ito’y matapos maaktuhan ni Eleazar ang 12 senior high school students habang naglalaro ng online games at gumagamit ng social media sa computer shop na Sandbox CyberCafe sa West Rembo, Makati City.

“Sana magsilbing leksyon ito sa kanila. We will make proper documentation, and we will coordinate with the LGU,” wika ni Eleazar.

Batay sa Department of Education Order 86, series of 2010, bawal pumasok sa mga computer shop, mall at sinehan ang mga estudyante kapag oras ng klase.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?