7

Oct 7, 2020 @ 20:21
By

Computer shop inaaral nang buksan sa batang estudyante

Pag-uusapan ng National Task Force (NTF) on COVID-19 ang panukala na payagan na ang mga menor de edad, lalo na iyong mahihirap na estudyante, na makapasok sa mga computer shop para makasabay sa online at modular learning.

Ayon kay Secretary Eduardo Año, NTF on COVID-19 vice chairman, ipepresenta ang proposal sa Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases.

Sabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Joint Task Force COVID Shield commander, inilabas ni Año ang pahayag matapos niyang klaruhin kung papayagan na ba ang mga minor student sa mga computer shop dahil sa pagsisimula ng online class.

Kasalukuyan kasing pinagbabawal ang mga menor de edad sa mga computer shop dahil sa banta ng COVID-19.

“We feel and understand the concerns of both the students and the parents, especially the poor, in this new kind of learning method. That is why the national government, through the NTF on COVID-19 and the IATF are really finding ways to extend all the necessary assistance to them,” lahad ni Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?