10

Oct 27, 2020 @ 12:04
By

Computer ni Fajardo astig!

FEAR the beer!

Ito ang sigaw ng personalized ‘gaming-rig’ ni 6-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo nang ipasilip niya ito sa social media.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito na habang nasa bahay lang ay nagpagawa ito ng sariling CPU na ‘inspired’ sa kanyang team na San Miguel Beermen.

Makikita sa case ng CPU ang team color at logo ng SMB at sa loob ay palaban rin ang laman dahil sa high-end ang specs ng computer at may water-cooling system na hango sa kulay ng beer.

Magiging magandang pamatay oras naman ito para kay ‘Kraken’ dahil makakapaglaro na siya full-time ng favorite game niyang DOTA 2 habang nagpapagaling ng kanyang injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?