40

By

Complaint action unit, isusulong sa Pasig

Sisimulan na sa Lunes (July 15) ang pagpapatupad ng Complaint action unit na naglalayong agarang maaksyunan ang mga reklamo at hinaing ng mga residente ng Pasig City.

Ang Complaint action unit ay agarang ipatutupad ni Pasig City Mayor Vico Sotto upang malaman ang mga hinaing at reklamo ng mga empleyado at mga residente ng lungsod.

Nais din ng alkalde na marinig ang mga nais ng mga residente para sa ikagaganda ng takbo ng kanyang administrasyon na kung saan ay nais nito na maging bukas ang city hall para sa lahat.

Kasabay nito ang pagtatalaga ng mga empleyado na tutulong sa mga mamamayan na nais mag-request, magbigay ng proyekto, maipagbigay alam ang mga reklamo kaugnay sa basura, problema sa barangay at maging ang pakikisalamuha ng mga empleyado ng city hall at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?