64

Apr 16, 2020 @ 16:07
By

Competent na DOH secretary lang ang hiling ng Senado – Lacson

Napagkasunduan ng mga senador na hindi sila magrerekomenda ng kapalit sa oras na magbitiw si Health Secretary Francisco Duque sa kanyang puwesto.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson, isa sa 15 senador na naghain ng resolusyon na humiling nang pagbaba sa puwesto ni Duque bilang kalihim ng DOH sa gitna ng COVID-19 crisis.

“The issues raised by the senators against Secretary Duque as stated in Senate Resolution 362 have commonalities as they are glaring and have bearing on the country surviving COVID-19,” pahayag ni Duque sa isang statement.

“We all agreed not to recommend any replacement,” dagdag nito.

Kung magbitiw umano sa puwesto si Duque, bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte na pumili ng kapalit nito sa DOH.

“In case Sec. Duque quits, it is all up to the President being the appointing authority. We are simply for a competent Secretary of Health. Take note: not more competent, but simply a competent one at the helm,” sabi ni Lacson.

Paglilinaw pa ng senador, walang kinalaman si Duterte sa inihaing nilang Senate Resolution 362 na nilagdaan ng 14 senador kabilang ang mga nasa administration bloc.

“Having said that, the resolution does not involve the President. It is virtually an appeal – demand, if you will, to Sec. Duque to resign and the reasons are stated in the resolution. It is his call,” sabi ni Lacson.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na palakasin pa ang liderato ng DOH sa gitna na kinakaharap ng giyerna kontra COVID-19 crisis.

“We cannot allow our response to the COVID-19 pandemic to continue like this. Our efforts on contact tracing and mass testing came in late, while we called our health workers to arms without the proper equipment to protect themselves,” isa sa mga senador na lumagda sa naturang resolusyon.

“Our public health leader should empower local governments, and take strategic actions that would make our response more efficient. We expect our public health leader to show everyone he has the necessary qualities to lead the response effectively because our own people’s lives are at stake here. Every decision matters. We cannot afford to be indecisive at this point,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?