17

Oct 7, 2020 @ 20:30
By

Community service kesa kulong larga sa Nobyembre

Puwede nang mag-community service na lang ang mga nahatulan sa minor offense kesa makulong umpisa sa November 2.

Batay iyon sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act 11362 o “Community Service Act” noong August 2019.

Inanunsyo nitong Miyerkoles ng Supreme Court (SC) ang pag-apruba nito sa mga guideline para sa implementasyon ng “Community Service Act”, na epektibo sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga minor offense ang may parusang arresto menor o pagkakakulong ng hanggang 30 araw, o arresto mayor na hanggang anim na buwang kalaboso.

Sa ilalim ng mga guideline, dapat ipaalam ng judge sa nahatulan na may opsyon itong magpakulong o magbuno ng community service sa lugar kung saan niya ginawa ang krimen gaya ng alarm and scandal, tumults at iba pang nakagagambala sa publiko.

“The judge should also explain to the accused, however, that the same will be barred to apply for community service or probation should he or she choose to appeal the conviction,” dagdag ng SC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?