6

By

Communist Party of the Philippines, tigil-putukan sa Pasko

Sharing is caring!

Nagdeklara na ang Communist Party of the Philippines ng unilateral ceasefire kasabay ng pag-obserba ng Kapaskuhan sa bansa at pagdiriwang ng kanilang 5Oth anniversary.

Sa pahayag ng partidong-komunista, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang bago mag-hatinggabi ng Disyembre 26 ang idineklara nilang tigil-putukan.

Muli itong magiging epektibo alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 31 hanggang alas-11:59 ng gabi ng unang araw ng 2019.

Ayon sa CPP-Central Committee habang umiiral ang ceasefire, hindi magsasagawa ang NPA ng opensiba laban sa puwersa ng gobyerno.

Ngunit maaring bawiin ang deklarasyon ng tigil-putukan kung paiigtingin ng military ang kanilang mga operasyon laban sa kilusan.

Samantala, kasabay nang ika-50 taon ng pagkakatatag ng CPP, nanawagan ito na paigtingin ang pagtutol sa administrasyong Duterte at hinihikayat ang kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng malawakang kilos-protesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?