81

By

Common terminal sa Parañaque, ibinida ng DOTr

Sharing is caring!

Ininspeksiyon ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang itinatayong South West Integrated Transport Exchange o SWITex sa Coastal Road, Parañaque City nitong Miyerkules ng umaga.

Ang SWITex ay magsisilbing common terminal ng mga pampasaherong bus, UV Express at PUJs.

Ipinakita sa media ng Megawide Construction Corporation at ng DOTr ang status ng itinatayong terminal sa apat na ektaryang reclaimed land sa Barangay Tambo.

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark de Leon, P3 bilyon ang halaga ng proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build Program” ng Duterte administration.

Sinabi ni Megawide President Manuel Louie Ferrer, sa SWITEx mabibigyan ng madaling access sa iba’t ibang uri ng transportasyon ang mga pasahero na patungo sa mga lalawigan sa south na kalapit ng Metro Manila.

Mistulang airport ang pasilidad na magkakaroon ng passenger terminal buildings, loading at unloading bays, staging bays, ticketing at baggage handling facilities, at park-ride facilities.

Lalagyan din ito ng air-conditioned lounges at waiting areas para sa mga pasahero, retail stores at food centers.

Sa sandaling matapos, inaasahang mabebenepisyuhan nito ang aabot sa 100,000 na pasahero bawat araw.

Kabilang ang proyekto sa “five big-ticket” infrastructure project ng DOTr na mapasisinayaan sa susunod na taon. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?