By

Common public transport terminal, parang airport – DOTr

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Transportation na sa darating na Abril ay magiging operational na ang P3-bilyong Southwest Integrated Terminal Exchange (SWITEX) sa Tambo, Paranaque City.

Kahapon, binisita ng ilang opisyal ng DOTr ang itinayong terminal at sinasabi halos kalahati ng kumpleto ang proyekto, na magbibigay ng access sa halos lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, kapag natapos ay mistulang loob ng airport terminal ang SWITEX, base sa disenyo nito na may multi-level na platform.

Mayroon din itong passenger terminal building, embarkation and disembarkation bays, staging bays, ticketing and baggage handling facilities, at park-ride facilities.

Kakabitan din ng CCTVs at baggage scanners at may security personnel na 24/7 na magbabantay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?