18

Oct 11, 2017 @ 16:50

Committee report ni Gordon sa shabu shipment, kulang – Lacson

Para kay Senador Panfilo Lacson, kulang ang laman ng report ng Senate Blue Ribbon Commitee kaugnay sa P6.4B bilyong shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.

Kinumpirma rin ni Lacson na nagpahayag siya ng reservations sa committee report at magsusumite ng sarili niyang mga komento.

“Kulang, wanting. Findings and recommendations are not consistent with what we discussed,” saad ni Lacson.

Partikular na pinuna ni Lacson ang mga irerekomendang kaso kina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal nito.

Ipinaliwanag naman ni Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto III na maari pang mabago ang report sa sandali ng maipresenta na ito sa plenaryo.

Sinabi ni Sotto na pagdating sa plenaryo ay mahabang debate pa ang magaganap at kung may kulang o sobra ay aayusin pa ito. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?