19
francisco-duque
May 4, 2018 @ 9:16
By

Committee report ng Senado sa Dengvaxia, welcome sa DOH

Bukas sa Department of Health (DOH) ang balangkas na ulat ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa Dengvaxia.

Ito ang tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque kaugnay ng isinumiteng ulat ng Senate panel na resulta ng imbestigasyon nito sa kontrobersiyang nilikha ng anti-dengue vaccine.

Una nang tinukoy ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senador Richard Gordon na dapat managot sa kontrobersiya sina Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Dating DOH Secretary Janette Garin at Dating Budget Secretary Florencio Abad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duque na kaisa sila ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagnanais na mapanagot ang mga responsable sa Dengvaxia.

Mula pa umano noong una ay iniutos na ni Duque ang pagtulong ng kagawaran sa mga imbestigasyon, sa pagtukoy ng mga problema sa proseso at sa pananagutan ng mga opisyal na nagsulong ng dengue vaccination program.

Sa ngayon ay nakatutok umano ang DOH sa pagtulong sa mahigit 800 libong kabataan na naturukan ng Dengvaxia.

“We are one with the Senate Blue Ribbon Committee in bringing those responsible to justice. Since day one, my marching order has been to assist investigations aimed at determining gaps in processes, and the culpability of officials in rolling out the dengue vaccination program,” ang bahagi ng statement ni Duque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?