26
views

By

Commitment order, pinamamadali ng MPD para sa siksikang kulungan

Sharing is caring!

Nanawagan ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa Manila Regional Trial Court na agad na tugunan ang problema ng pagsisiksikan sa mga piitan.

Ito ay sa pamamagitan ng mabilis na pagpapalabas ng commitment order sa mga bilanggong nakakulong sa iba’t ibang himpilan ng MPD upang maiwasan ang sakitan na minsan ay nauuwi sa pagkamatay ng preso.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, dahil sa kanilang pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ay nagsiksikan ngayon ang mga bilanggo sa mga kulungan na naging dahilan para halos hindi na makahinga ang mga ito kung saan nagkakahawaan na ng sakit ang mga preso.

Paliwanag ni Margarejo, pumalo sa 20 ang namamatay na mga bilanggo at 14 sa mga preso ay mula sa Station 3 ng MPD mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.

Inatasan na ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Anduyan ang lahat ng station commander na ipabatid sa mababang korte na magpalabas agad ng commitment order para maibsan ang siksikang kulungan.

Batay sa record, ang kulungan sa MPD Station 3 ay 306.67 porsiyentong congested na.

Dahil dito, sa halip na 30 lamang ay umaabot na sa 122 ang nakapiit sa bawat selda.

Samantala, sa kanila namang female dormitory ay 10 preso lamang ang rekomendado na bilang ng bilanggo pero 50 na ang nakakulong dahil sa mabagal na pagpapalabas ng commitment order ng hukuman. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?