nfa-bigas

Commercial rice na P39 kada kilo, mabibili na sa Lunes – NFA

Sharing is caring!

Simula sa Lunes, mabibili na sa Metro Manila ang ‘well-milled’ na bigas na P39 bawat kilo, ayon sa National Food Authority.

Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Rex Estoperez, spokesman ng NFA na ang paglabas ng murang commercial rice ay bunsod nang ipinangako ng mga rice traders at rice millers.

Matatandaan na nakipagpulong noon ang mga rice traders at rice traders kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nangako silang magbebenta sila ng 700,000 sacks ng commercial rice para punan ang pagkawala ng stocks ng NFA.

Bahagi ito ng tinatawag ng “Tulong Sa Bayan Caravan”, sabi ni Estoperez. Maglalagay ng mga tarpauilins sa mga pamilihan sa Metro Manila kung saan ititinda ang P39-per-kilo na bigas.

Ang mga murang bigay ay galing sa Nueva Ecija at Isabela.

Hindi naman lilimitahan ang pagbila ng nasabing commercial rice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?