157

Oct 13, 2017 @ 17:49

Commercial building sa Malate tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang  ang isang commercial building sa Osmeña Highway sa Maynila, Biyernes ng hapon.

Tumagal nang halos dalawang oras ang sunog sa FEMS Tower na matatagpuan sa pagitan ng Pablo Ocampo at Zobel Roxas Streets. Nagsimula ito 11:45 ng umaga at idineklarang fire out 1:45 ng hapon.

Nagsimula ang apoy sa ikawalong palapag ng gusali kung saan  itinaas ito sa ikatlong alarma.

Maliban sa mga mga tauhan ng BFP ay tumulong din sa pag -apula ng apoy ang  mga volunteer fire brigades kung saan gumamit pa sila ng  breathing apparatus dahil sa kapal ng usok.

Nagkaroon din ng kaunting problema ang mga naunang fire volunteers na rumesponde sa sunog matapos pababain ng may ari ng gusali dahil gusto umano nito na mga bumbero lamang ng BFP ang aapula sa apoy.

Kinalaunan ay hinayaan na rin ang fire volunteers na tumulong sa pag-apula ng apoy.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng  apoy at inaalam pa kung magkanong halaga ang naiwang danyos ng sunog.

Naperwisyo naman ang mga motorista dahil pansamantalang isinara  ang Osmeña Highway, partikular na ang pa southbound dahil sa trapik na dulot ng sunog. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?