331
Commander Bravo, nakibahagi sa oath-taking ng mga miyembro ng BTA
Feb 22, 2019 @ 17:59
By

Commander Bravo, nakibahagi sa oath-taking ng mga miyembro ng BTA

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapasok sa Malacañang ang mga matitinik na Moro fighters ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa oath-taking ng mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Isa na rito si Abdurahman Macapaar o mas kilala bilang Commander Bravo na isa sa magiging miyembro ng BTA.

Ayon kay Commander Bravo, ito ang unang pagkakataon na nakaapak siya sa Malacañang kasama ang ilan pang base commander ng MILF.

“Yes this is my first time,” ang maiksing sagot ni Commander Bravo nang tanungin ito ng ilang mamamahayag.

Si Commander Bravo ay isa sa mga naglunsad ng pag-atake sa ilang komunidad sa Lanao del Norte noong Agosto 2008 matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain noong panahon ng Arroyo administration.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa loob at labas ng Malacañang kung saan nakasuot ng bulletproof vest ang mga miyembro ng Presidential Security Group na nagbabantay sa mga gate ng Malacañang Palace.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?