61

Feb 25, 2020 @ 15:31
By

Comfort woman pumanaw sa edad na 91

Hindi pa rin nakamit ng Japanese comfort woman na si Lola Felicidad Delos Reyes ang hustisya hanggang sa kanyang huling hininga.

Sa isang ulat, sinabing namatay sa sakit na pneumonia si Lola Felicidad na miyembro ng grupong Lila Pilipina. Pumanaw ito sa unang linggo ng Pebrero 2020 sa Labor Hospital, Quezon City.

Siya ay 91 taong gulang.

Dekada 1990 nang nilahad ng nasa 200 biktimang Pilipina ang mga pang-aabuso at panggagahasa na naranasan nila sa kamay ng mga sundalong Hapon noong World War II.

Hanggang ngayon, 75 taon matapos ang giyera, hindi pa rin kinikilala ng gobyerno ng Japan ang pananagutan nito sa mga naging comfort woman (sex slave) ng kanilang mga hukbo, sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa.

Sa ngayon, ‘di na aabot sa 50 ang comfort woman na nananatiling buhay at ginigiit na makamit ang hustisya at pagkilala sa pinagdaanan nilang trahedya, parehong sa mga gobyerno ng Pilipinas at Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?