172

Oct 28, 2021 @ 14:41
By

Comelec: VP Leni lusot sa vote-buying remark

Hindi umano mananagot ang presidential aspirant na si Bise Presidente Leni Robredo kaugnay ng kanyang komento tungkol sa vote-buying, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.

“I don’t see any liability for her now. It is something that should not have been said. You say what you believe in. But I disagree,” wika ni Jimenez sa panayam ng CNN Philippines.

Matatandaang si Jimenez din ang opisyal ng Comelec na nagkomento sa sinabi ni Robredo para sabihing mali ang bumili ng boto at tumanggap ng pera mula sa politiko.

Maraming umangal sa pahayag ni Robredo nang sinabi niya na tanggapin ang ibinibigay ng mga politiko ngunit iboto pa rin ang kursonada.

Nilinaw ng bise presidente ang pahayag para sabihing hindi niya kinukunsinti ang vote-buying bagkus ay sinasabi lamang ang totoong nangyayari sa mga komunidad. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?