19
views

By

Comelec: Voters’ registration, muling lalarga sa Hulyo 2

Sharing is caring!

Bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Hulyo 2, ang pagpapatala ng mga botante o continuing registration of voters para sa nalalapit na mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Ang continuing registration ng mga botante ay tatagal ng hanggang Setyembre 29, 2018.

Ang aplikasyon ay kinakailangang personal na ihain sa mga tanggapan ng election officer sa kani-kanilang mga lugar mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko, Lunes hanggang Sabado kabilang ang holiday.

Magtatalaga rin ang Comelec ng mga lugar para sa satellite registration sa loob ng nasabing panahon kung saan magiging prayoridad ang pagproseso sa aplikasyon ng mga nakatatanda, buntis at indigenous people.

Samantala, inanunsyo rin ni Comelec Spokesman Director James Jimenez na ang mga overseas voter ay mayroong hanggang Setyembre 30 para makapagparehistro.

Pero paalala ng Comelec, magkakaiba ang schedule ng pagpapatala ng mga botante sa bawat bansa kaya maiging kumonsulta muna ang mga overseas voter sa embahada o konsulada ng Pilipinas na nakakasakop sa kanila. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?