11

May 14, 2021 @ 13:12
By

Comelec: Voter registration sa NCR Plus babalik na

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang muling pagbubukas ng voter registration sa NCR Plus.

Ayon kay Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr, sa Lunes, May 17, ay muling ikakasa ang voter registration ngayong ilalagay na sa general community quarantine ang Metro Manila at iba pang kalapit na lugar.

“Just recently the President announced that the NCR and the provinces of Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna, which were under MECQ, have been categorized to GCQ. With that beginning Monday, Comelec will be resuming registrations in these areas from Mondays to Fridays, from 8 a.m. to 5 p.m.,” saad ni Sinocruz.

Matatandaan na sinuspende ng Comelec ang registration matapos na ideklara ang enhanced community quarantine sa NCR Plus bubble noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?