53
Comelec, target ang hanggang 97% transmission results sa May polls
Mar 11, 2019 @ 15:33
By

Comelec, target ang hanggang 97% transmission results sa May polls

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang 96 hanggang 97 porsiyento na transmission rate para sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman James Jimenez, naabot ng poll body ang nasabing transmission rate noong 2016 national elections.

Malabo umano na kayanin ng Comelec ang 100-percent transmission rate dahil nakadepende ang elections results transmittal sa cellular signals na hindi rin perpekto.

Pagtitiyak naman ni Jimenez, nakahanda ang backup plan ng Comelec sakaling hindi maganda ang signal para makapag-transmit ng resulta ng boto.

Noong 2016 elections, gumamit ang Comelec ng Broadband Global Area Network terminal sa mga lugar na mahina ang signal para sa transmission ng resulta ng eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?