409

Oct 21, 2021 @ 11:17
By

Comelec spox sinuka kandidatong vote buyer: Kung malakas ka, bakit kailangan mo bumili ng boto?

Binanatan ni Comission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez ang isa niyang politikong blind item na umano’y bumibili ng boto ng taumbayan.

“Alam naman natin na hindi pa kayo saklaw ng election laws sa ngayon… Pero kung malakas ka, bakit kailangan mo bumili ng boto” tweet niya na may kasamang #fightvotebuying.

Marami namang netizen sa Twitterverse ang naghihinalang si presidential aspirant Senador Manny Pacquiao ang pinapasaringan ng Comelec official.

Ito ay matapos mapabalitang magkasa umano ng Senador ng isang super spreader event sa Batangas kung saan nagpamudmod siya ng pera at hindi nasunod ng mga dumalo ang minimum health standards.

Sey naman ng ibang mga netizen, hindi vote buying ang ginawang pamimigay ng datung ni Pacquiao kung hindi pagtulong sa kapwa na siyang ginagawa na niya wala pa man din siya sa politika.

(VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?