15

Sep 20, 2020 @ 14:59
By

Comelec spox pinuna Manila Bay mass gathering

Pinitik ni Comelec spokesperson James Jimenez ang kumpulan ng tao sa Manila Bay matapos buksan sa publiko ang bahagi na nilagyan ng white sand.

Sa tweet ni Jimenez, nagpatama ito sa mga nais mag-postpone ng voters registration dahil sa mass gathering, ngunit lumusot ang pagdagsa ng tao sa Manila Bay.

Binuksan nitong weekend ang Manila Bay kung saan maaaring magtungo ang sinuman para makita ang bunga ng beautification project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ngunit umani ng kritisismo ang pagbubukas nito sa publiko dahil sa dami ng taong nagtungo dito at tila hindi na napatupad ang physical distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?