28

Oct 6, 2021 @ 13:22
By

Comelec spox: Mga politiko na pasimuno sa mass gatherings sa COC filing mananagot!

Binalaan ng Commissions on Elections (Comelec) ang mga politiko na magpapasimuno ng mga pagtitipon ng kanilang mga tagasuporta sa araw ng kanilang paghain ng Certificates of Candidacy (COC).

Sambit ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang tweet, titiyakin nilang mananagot ang dapat managot sa “superspreader event” na ito.

“The politicians who allow mass gatherings of their supporters, are the ones to blame if their pre-COC filing rallies turn out to be super spreaders,” saad niya.

Nito lamang Biyernes nang magsimulang umarangkada ang filing ng COC na siya namang magtatapos sa darating na Biyernes, Oct. 8. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?