23

By

Comelec special registration para sa PWD, senior citizen, sinimulan na

Sharing is caring!

Umarangkada na ang isang araw na special at exclusive registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga person with disability (PWD) at senior citizen.

Kaugnay nito, muling hinikayat ng Comelec ang lahat ng mga PWD na nasa nasa hustong gulang na at ang mga senior na samantalahin ang pagkakataon para makapagpa-rehistro.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, isang araw lang ang special at exclusive registration na ito na sadyang laan sa mga PWDs at Senior Citizen para hindi na masabay sa volume ng mga nais magparehistro.

Gaya ng nakagawian ng marami, nangangamba ang Comelec na hahabol na naman sa ‘last minute’ o huling araw ng registration ang ibang nais pang magparehistro para sa 2019 Elections.

Sa schedule ng Comelec, tatagal nalang ang registration para sa halalan sa 2019 sa September 29.

Sa ngayon umaabot na sa 60 milyon ang rehistradong botante pero ayon kay Jimenez, posibleng mabawasan pa ito kapag inilabas na ang opisyal na bilang ng registered voters sa Disyembre.

Paalala ni Jimenez, matatanggal sa opisyal na listahan ang mga botanteng pumalyang makaboto sa nakalipas na dalawang magkasunod na halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?