tito-sotto
By

Comelec, Smartmatic pinahaharap sa Senate probe sa May 2016 elections

Sharing is caring!

Pinaghahanda na ni Senate Majori Leader Vicente Sotto III ang Commission on Elections (Comelec) at ang Smartmatic sa pagdinig na ipatatawag ng Senado sa susunod na linggo kaugnay ng ibinulgar na iregularidad noong Mayo 2016.

Sa ikalawang talumpati ukol sa eleksiyon, sinabi ni Sotto na dapat dalhin ng Comelec at ng Smartmatic ang mga ebidensya para pasinungalingan ang alegasyon na hindi nabilang ng tama ang mga boto noon.

Sa alegasyon ni Sotto, nagkaroon ng maagang transmission ng boto noong bisperas ng araw ng botohan.

Mayo 9 ang botohan pero meron nang nakita sa audit logs ng vote counting machines na transmission ng boto mula noong Mayo 8 hanggang madaling araw ng Mayo 9.

Mayroon din umanong foreign server na mukhang nasa America na nagkaroon ng access sa Comelec server.

Bukod dito, nagkaroon umano ng apat sa halip na dapat ay dalawa lamang na server na nagpasahan ng boto mula presinto hanggang canvassing centeers.

Idinagdag umano ang dalawang server habang nagbibilangan noong Mayo 10 hanggang Mayo 11 at wala itong otorisasyon mula sa Comelec en banc.

Isang linggo naman bago ang eleksyon, nagkaroon umano ang Comelec ng pitong regional hubs kung saan inayos ang mga SD card ng vote counting machines. Hindi umano iyon nabantayan ng mga kandidato at partido.

Hindi naman diumano na-transmit lahat ng election returns sa Comelec server.

Nasa 3.86% umano na kumakatawan sa boto ng 1.7 milyon ang hindi nai-transmit sa kung anumang dahilan.

Malaking bagay aniya ito sa electoral protests sa ngayon.

Naghahabol pa si dating Senador Bongbong Marcos sa puwesto ni Vice President Leni Robredo.

Nagpoprotesta rin si dating MMDA Chairman Francis Tolentino na naging ika-13 nung senatorial elections. Hinahabol nito ang pwesto ni Senadora Leila de Lima na ika-12 noon sa bilangan.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?