30

Oct 13, 2021 @ 12:08
By

Comelec sinupalpal mungkahing automatic registration

Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Miyerkoles na kailangan pa ring magparehistro para makaboto, sa kabila ng ilang mga mungkahi na gawing awtomatiko ang pagiging botante ng mga edad 18 pataas.

Paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez, kailangan magparehistro dahil dito malalaman kung saan boboto ang isang tao sa lokal na posisyon, na siya ring dahilan kung bakit kinukuha ang address ng botante sa pagpaparehistro.

“Registration is necessary to determine a person’s eligibility to vote in local elections. So there would still be a need for an 18y/o to inform the COMELEC of his residence information, and thus sign up to vote in that locality,” pahayag ni Jimenez.

“Things would be different if we had a centralized residence registry—but we don’t,” dugtong pa niya.

Isa ang labor leader at presidential candidate na si Leody De Guzman sa mga nagmungkahi na gawing awtomatiko ang pagiging rehistro ng mga edad 18 pataas.

Ayon kay De Guzman, ‘bureaucratic’ ang prosesong kailangan pang magparehistro para makaboto. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?