183

By

Comelec sa publiko: Bumoto ng party-list na mahalaga

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na bumoto ng party-list group na kailangan ng mga ito.

Sa tweet ni Comelec Spokesperson James Jimenez, sa mahigit na 100 na kasaling party-list groups, isa lang sa mga ito ang maaaring iboto ng isang botante kaya dapat umanong siguruhin na mapupunta ang boto sa totoong makakatulong sa bayan.

Inilabas ng Comelec official ang pahayag matapos lumabas sa resulta ng survey ng Pulse Asia na 74% na botante ang may kamalayan na sa party-list system na mas mataas kumpara noong February 2019 na 61% party-list awareness level.

Nangibabaw sa mga party-list ang Bayan Muna na “most preferred party-list group” sa midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?