216
Comelec sa mga botante: Magdala ng listahan ng mga kandidato para mapabilis ang pagboto
May 12, 2019 @ 13:25
By

Comelec sa mga botante: Magdala ng listahan ng mga kandidato para mapabilis ang pagboto

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na maghanda ng listahan ng mga kandidatong kanilang iboboto sa May 13 elections upang mapabilis ang proseso ng pagboto.

Ayon kay Marchel Sarno, election officer ng Cebu City south district, papayagan nila ang mga botante na magdala ng listahan ng mga kandidato.

“I want to emphasize that voting time will really depend on the speed of the voter. We encourage voters to bring their own list,” aniya.

Ayon kay Sarno, ang mga botante ay aabutin ng tatlong minuto sa pagboto kung hindi ito maghahanda ng listahan.

Saad ni Sarno, ang proseso ng pag-verify ng identity ng botante sa pamamagitan ng voters registration and verification machine (VRVM) ay wala pa umanong isang minuto.

Ang VRVM ay ang bagong automated system, na magveverify ng identity ng botante. Ito ay gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon sa midterm elections.

Saad pa ni Sarno, ang paglalagay ng balota sa vote counting machine (VCM) ay aabot ng wala pang isang minuto ngunit ang mismong pagboto ay mas matagal kumpara rito.

Sa oras na malaman na ng botante ang kanilang precint numbers, maaari na silang magpaverify ng kanilang identities gamit ang VRVM.

Matapos ang verification, bibigyan ng balota ang mga botante.

Opisyal na magbubukas ang mga voting center ng ala-6 ng umaga sa Lunes at magsasara ng ala-6 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?