182
james-jimenez
By

Comelec: Proklamasyon ng mga nanalong senador hindi pwedeng suspendihin

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagan na suspensyon sa proklamasyon ng mga nanalong senador sa nagdaang 2019 midterm elections dahil umano sa mga alegasyon ng anomalya sa pagsasagawa ng eleksyon.

Hindi umano maaaring suspendihin ang proklamasyon ng mga winning candidates dahil sa unsubstantiated na alegasyon ng pandaraya.

Makakagulo umano ito sa conduct ng eleksyon kung ipopostpone ang proklamasyon matapos makumpleto ang pagka-canvass ng mga boto.

“If an allegation of fraud was enough to suspend a proclamation, then there would never be any proclamation because if I were losing, all I’d have to do is allege fraud and everything comes to a standstill,” saad ni Comelec spokesman James Jimenez.

“There was a problem with the small part of the process, but it would not affect the integrity of the results,” aniya.

Ipinahayag na rin ng Komisyon na handa silang buksan ang mga logs at ipakita ito sa lahat.

Kung ang problema umano ay sa transmission, aniya, ang mga nagrereklamo na may dayaang naganap ay maaaring i-verify ito sa 8 kopya ng election results mula sa mga vote counting machine upang makita kung mayroong discrepancies.

“Admittedly, there were problems in the last elections, definitely someone will be held liable for that. But there is no reason to jeopardize the process and distrust the system,” ani Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?