34

Jan 13, 2022 @ 14:19
By

Comelec pinuri sa hindi pag- ‘CUSInti’ sa PDP-Laban

Pinuri ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon ng PDP-Laban Cusi faction na muling buksan ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections.

Sinabi ni Gaite na tama ang ginawa ng Comelec na hindi kunsintihin ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinamumunuan ng presidente nito na si Energy Secretary Alfonso Cusi.

“Tama at di dapat ‘Cusi-ntihin’ ng Comelec itong political party ni Duterte na nawalan ng kandidato sa pagkapangulo, bise, at iba pa,” sabi ni Gaite.

Naghain ng petisyon ang PDP-Laban Cusi faction matapos na umatras ang presidential candidate nito na si Sen. Ronald Dela Rosa at ang kapalit nitong si Sen. Christopher Go.

“In their desperation because their party is in shambles, they had the temerity not only to petition the Comelec to reopen or extend the filing of COCs but also to seek the resetting of the elections! Desperado!” dagdag pa ni Gaite.

Noong Oktobre pa natapos ang paghahain ng COC samantalang ang substitusyon para sa mga umatras na kandidato ay nagtapos noong Nobyembre. (Billy Begas)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?