74

By

Comelec pinalalayas na sa Palacio del Gobernador

Sharing is caring!

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatanggap na ito ng “notice to vacate” mula sa Intramuros Administration (IA).

Ang abiso ay para sa inookupahang mga palapag ng Comelec sa Palacio del Gobernador na nasa pangangasiwa ng IA.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, structural integrity ng Palacio del Gobernador ang ipinuntong dahilan ng IA sa ipinadala nitong notice to vacate.

Sa kasalukuyan, inookupahan ng Comelec ang 5th, 7th at 8th floor ng Palacio del Gobernador.

Sa kabila nito, hindi naman nababahala ang Comelec dahil naghahanap na ang kaukulang tanggapan ng poll body ng ibang lugar para paglipatan.

Kabilang umano rito ang ilang palapag ng Crystal Shipping Center Building na nire-renovate na pwede nang paglipatan ng kanilang Personnel Department bago matapos ang taong kasalukuyan.

“In the meantime, the appropriate Departments within the Commission have been working to secure new spaces and working areas — for instance, the renovation of several floors of the Cystal Shippinf Center Building,” saad ni Jimenez.

Dagdag pa ni Jimenez, matagal na ring pinag-iisipan ng Comelec ang pagpapatayo ng sariling gusali.

Katunayan, nakipagkasundo na aniya ang Comelec sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disenyo at konstruksyon ng pinaplanong gusali ng Comelec. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?