30
Leni-Robredo
By

Comelec pinagkokomento ng PET sa apela ni VP Leni

Sharing is caring!

Hihihingan ng pahayag ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang Commission on Elections (COMELEC) sa hirit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na maibaba one-fourth shading sa balota o 25 percent threshold ang pagtukoy kung aling mga boto noong 2016 National Elections ang ikokonsiderang valid o hindi.

Kasunod ito ng inihaing mosyon ng Office of the Solicitor General (OSG) noong Biyernes na humihirit sa PET na ibasura ang petisyon ng kampo ng Bise Presidente.

Sa 21-pahinang mosyon, iginiit ng OSG na hindi maaring kuwestiyunin ang desisyon ng PET na may legal authority sa ilalim ng Konstitusyon na magpasa ng panuntunan sa mga electoral protest sa pagitan ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

Giit ng OSG, walang batayan ang argumento ng kampo ni Robredo na dapat gamitin ang 25-percent threshold na itiinakda ng COMELEC sa Random Manual Audit Guidelines and Report dahil wala namang hurisdiksyon ang COMELEC sa mga Vice Presidential election contest.

Samantala, Ibinasura naman ng PET ang apela ng kampo ni dating Senador Bong Bong Marcos na imbestigahan ang umano’y nangyaring “outing” sa Pansol, Calamba sa Laguna sa pagitan ng mga head revisors ng PET at ng isang revisors Robredo noong June 22.

Ayon sa PET, nauna kasing nagsagawa ng imbestigasyon ang PET bago humirit ang pagsisiyasat ang kampo ni Marcos. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?