102
ABANTE bato pnp hamas group
By

Comelec: Pelikula ni Bato, bawal sa campaign period

Malalabag umano ni dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa ang election law kung ipapalabas ang pagsasapelikula sa buhay ng dating hepe sa campaign period ng 2019 elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, dapat umanong siguruhin ng mga tao sa likod ng pelikula na ipapalabas ito bago o matapos ang campaign period para maiwasan ang aberya sa kampanya ng senatorial bet.

Dahil kapag naipalabas umano sa mga sinehan ang pelikula kung saan gaganap si Robin Padilla bilang si Dela Rosa habang nasa campaign period, maaaring patawan ng election offense cases ang mga responsable sa pelikula.

“Whether or not there’s a boycott, there will still be a violation of election rules,” ani Jimenez.

Batay sa “Fair Elections Act”, bawal ang pagpapalabas ng pelikula, cinematography o documentary na kuwento ng buhay ng isang kandidato habang umiiral ang campaign period.

May kaparusahan ng isa hanggang anim na taon na pagkakulong, diskuwalipikasyon sa paghawak sa anumang public office at pagkakatanggal sa right of suffrage ang sinumang lalabag dito.

Magsisimula ang campaign period para sa national posts sa Pebrero 12 at matatapos sa Mayo 11. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?