42

Jan 4, 2022 @ 17:02
By

Comelec: Pagpapaliban ng eleksyon 2022 hindi mangyayari

Muling iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na ang pagpapaliban sa halalan 2022 ay hindi mangyayari kahit na sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Ito ay matapos na hilingin ng Coalition for Life and Democracy sa Comelec na ilipat ang eleksyon sa Mayo 9, 2025 dahil sa pandemya at ilang mga hindi nareresolbang petisyon.

“Of course, that is what they want to happen. In fact, we have been warning about this from the beginning, that they will come up with all the excuses to postpone the elections. It is not going to happen,” paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

“It is not something that should be considered. Postponing the 2022 elections is going against the Constitution. How can you go against the Constitution? The Comelec sees no reason to postpone the elections,” dagdag pa ni Jimenez.

Sa huli, sinabi ni Jimenez na kayang mag-multitasking ng Comelec kahit sa gitna ng mga nakabinbing petisyon na disqualification sa ilang kandidato.

“Comelec is not a one trick pony. It can do many things at the same time. Tuloy ang halalan, hindi tayo made-delay,” ani Jimenez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?