56
Comelec opisyal nang nag-convene bilang Board of Canvassers
May 13, 2019 @ 19:11
By

Comelec opisyal nang nag-convene bilang Board of Canvassers

Nag-convene na ang Commission on Elections bilang National Board of Canvassers (NBOC) matapos ang ginanap na national at local elections nitong Lunes.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang magsimula ang canvassing ng mga boto para sa midterm elections.

Bilang NBOC, ang Comelec ang inaasahang tatanggap ng certificates of canvass of votes mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Opisyal na ring nagsara ang botohan dakong alas-sais ng gabi kanina at hindi na ito pinalawig pa ng Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?