40

Oct 15, 2017 @ 13:26

Comelec, nagtakda muli ng voter’s registration

Muling nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng panibagong voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay outgoing Comelec Chairman Andres Bautista, ang panahon ng pagpapatala ay gagawin mula Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 30, 2017.

Ito ay para aniya mabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong botante na makapagparehistro at makalahok sa eleksyon.
Partikular na target ng Comelec ang mga kabataan na maaari nang makaboto.

Matatandaan na naging ganap nang batas ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections na dapat sana ay gagawin sa Oktubre 23, 2017.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10952, ang halalang pang-barangay ay gagawin na sa pangalawang Lunes ng Mayo o sa Mayo 14, 2018. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?